Mambabatas, nababahala sa pagtaas ng underemployment rate sa bansa

Nagpahayag ng pagkabahala si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa tumataas na underemployment rate sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 4.2 percent habang ang underemployment rate ay tumaas sa 14.4 percent noong Nobyembre 2022.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Sa pagtaas ng underemployment rate, lalo pang isinulong ni Villanueva ang pagkakaroon ng komprehensibong National Employment Action Plan.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Noong nakaraang taon, inihain niya ang Senate Bill No. 129 o ang Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act. Nakatakda nang talakayin sa komite sa senado ang nasabing panukala sa January 24.