Mambabatas, handang i-terminate ang pag-imbestiga sa kaso ni Quiboloy

Nilinaw ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chaiperson, Senadora Risa Hontiveros na bukas naman sila sa kanilang komite na itigil ang imbestigasyon sa kaso ni Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang ilang akusasyon ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kay Quiboloy na di umano’y sangkot ito sa kasong large scale human trafficking, rape, sexual abuse at child abuse.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Ayon kay Hontiveros, ite-terminate nila ang imbestigasyon dito pagdating ng panahon na nagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya kasama na ang posibleng pag-cite in contempt at pag-aresto kay Quiboloy at maging pagpapasalita ‘on the record’ sa mga resource person.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Pagkatapos nito ay gagawan na rin umano nila ito ng komite report kahit mag-decline si Quiboloy na humarap at mag-go on the record sa komite.