Maliit na lang ang tiyansa na mapalawig ang COVID-19 state of calamity sa bansa – DOH

Maliit na lamang umano ang tsansa na mapalawig ang state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 ayon sa Department of Health.

Sa isang press briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kung hindi palalawigin ang state of calamity, hindi na magiging valid ang emergency use authorization ng mga gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Matatandaang noong March 2020, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng public health emergency sa bansa dahil sa COVID outbreak.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Pinalawig lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deklarasyon ng state of calamity hanggang December 31, 2022.//CA