Malasakit, pang-unawa sa gitna ng pandemya hiling ng Batangas City LGU; dagdag na tugon sa Covid response, inaksyunan

Batangas -Magpadama ng malasakit ngayong panahon ng pandemya ang pangunahing kahilingan ng lokal na pamahalaan sa sitwasyon ngayon ng Batangas City.

Kaakibat kasi ng pagmamalaskit ay ang pang-unawa sa mga ipatutupad na aksyon ng lokal na pamahalaan upang tuwirang matugunan ang kakulangan ng isolation facilities, hospital beds para sa mga nagpositibong pasyente maging ang kakulangan ng crematorium para sa cremation ng mga nasasawi sa Covid19.

Sa ginanap na pagpupulong ng local IATF na pinangunahan ni Batangas City Mayor Beverley Dimacuha, diniin nito na kailangan na ang agarang aksyon upang matugunan ang mga kakulangang nabanggit.

Isa na sa katugunan ang pagkakaroon ng “reverse quarantine facility” kung saan may mga natukoy ng paaralan noong Marso at Abril gaya ng Colegio ng Lungsod ng Batangas at Batangas National High School na gawin bilang reverse quarantine facility dahilan sa maayos ang pasilidad ng mga ito at maaring tigilan ng pamilya na may mga pasyenteng nagpositibo nang sa ganun ay makumpleto nila ang labing apat na araw na quarantine.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Magiging katuwang ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang barangay sa paghahanda ng  pagkain para sa mga ito.

Isa rin katugunan na magamit ang Batangas City Evacuation Center upang bilang isolation facility na kayang maglaman ng mahigit sa 60 pasyente.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Handa na din ang City Health Office na tumanggap ng karagdagang medical workers para sa mabilis at malawak na pagpapatupad ng mga programa upang labanan ang Covid19.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa na ang mabilisang pag-aasikaso ng Memorandum of Agreement (MOA) ng lokal na pamahalaan sa pagitan ng pribadong crematorium para sa mas mabilis na proseso ng cremation sa mga binabawian ng buhay dahilan sa naturang sakit.

Samantala, malaki rin ang posibilidad na magpatupad ng granular lockdown sa mga establisimyento, kalsada, compound, sitio o subdivision na may mataas na kaso ng COVID19 na sakop ng Batangas City.

Sa kasalukuyan bumibilang na sa higit isang libong aktibong kaso ng Covid19 ang lunsod.