Malacañang, iginiit na hindi “raket” ang pag-mandatory sa pagsusuot ng faceshield

Nanindigan ang Malacañang na siyensya ang dapat manginbabaw sa usapin ng paggamit ng faceshield sa kabila ng ilang espekulasyon na ginagawa lamang itong “raket” o negosyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, batid nilang mahirap talaga ang paggamit ng faceshield subalit dapat aniyang paniwalaan ang sinasabi ng mga eksperto sa medisina, lalo na at may banta ngayon ng Delta variant.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ipinunto ni Sec. Roque na lumalabas sa pag-aaral ng Lancet na ang pagsusuot ng faceshield ay nakapagbibigay ng 78 percent na proteksiyon laban sa virus.

Samahan pa aniya ito ng paggamit ng facemask ay magreresulta sa 85 percent na proteksiyon.

Binanggit din ng kalihim ang mga pag-aaral dito sa Pilipinas kaugnay sa pagsusuot ng faceshield kung saan, kapag gumamit umano ng faceshield kasabay ng paggamit ng N95 facemask at social distancing ay mayroong 97 percent na proteksiyon laban sa covid-19.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Dahil dito, sinabi ng tagapagsalita na sa ngayon ay mas makakabuti na sumunod na lamang muna sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng faceshield sa indoor at outdoor areas.