Mariing itinanggi ng Makati ang alegasyon na ginagamit umanong parking area lamang ang ipinasarang Makati Park and Garden nitong linggo.
Sinabi ni Makati City Law Department Head Atty. Don Camiña, na hindi ginagamit ang naturang parke bilang parking area kundi ginagamit bilang public facility.
Matatagpuan umano sa parke ang Makati Aqua Sports Arena, Department of Environmental Services at Engineering ng Makati.
Dagdag pa ni Camiña, ang ipinasarang parke ay pag mamay-ari ng Makati kaya gagawin nila ang gusto nilang gawin dito.
Matatandaang sinabi ng Taguig na ang naturang parke na isinara na ng Makati sa publiko ay ginagamit na lamang na grahe ng heavy equipment at tambakan ng kung ano-anong mga bagay kagaya ng mga Christmas trees at parol.