Makabayan bloc, binatikos ang pamunuan ng Kamara sa pagbabalik ng bugdet ng NTF-ELCAC sa 2023

Binatikos ng Makabayan bloc ang plano ng pamunuan ng Kamara na ibalik ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2023 national budget.

Sinabi ni Deputy Minority Leader France Castro, matagal ng pinagdedebatihan sa Kongreso ang budget ng NTF-ELCAC matapos tapyasan ng P5 bilyong piso ang pondo ng ahensiya.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ayon naman kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, bakit tila lumambot ang puso ng mga mambabatas at ibabalik ang P10 bilyong piso para sa Barangay Development Program.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ang Makabayan bloc ay naghahangad ng realignment at surveillance funds sa NTF-ELCAC sa 2023 budget.

Noong Miyerkules, ibinunyag ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang desisyon ng pamunuan ng Kamara na ibalik ang budyet ng NTF-ELCAC.

RELATED STORY:

House bicam nangakong ibabalik ang pondo ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon