Majority ng incumbent officials ng Olongapo mananatili sa pwesto

Mananatili sa pwesto bilang alkalde at bise-alkalde ng Olongapo ang mga kasalukuyang nasa posisyon.

Ito ay matapos na makuha pa rin ang mataas na boto sa katatapos lamang na local at national elections.

Umaga ng Martes nang manumpa sina incumbent Mayor Rolen Paulino Jr at incumbent Vice Mayor Jong Cortez.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maliban sa mga nabanggit na opisyal, nagbabalik rin sa posisyon ang ilang mga city councilors katulad nina Konsehal Jerome Bacay, Kon. Rodel Cerezo, Kon. Jamiel Escalona, Kon. Tata Paulino, Kon. Lugie Garcia at Kon. Kaye Legaspi.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Samantala, ang ilang bagong pangalan sa konseho ay sina Bgy. Pagasa Captain Rudy Catologan, Vic-Vic Magsaysay at isang dating na naging konsehal ng syudad na rin na si Gina Perez.//Jen Bayot

May be an image of 1 person and text