Mainit na temperatura pinaghahandaan ng CamHigh ; paaralan handa sa asistensya kung may sumama ang pakiramdam

NAGA CITY- Mainit na hangin mula sa Silangan ang nararamdaman sa ilang bahagi ng bansa kasama ang Bicol Region ayon sa typhoon forecaster sa Camarines Sur.

Sa unti-unting pagtapos ng Amihan asahan na ang pagpasok ng Hot Dry Season ayon kay Mike Padua. Kaugnay nito naghahanda ang Camarines Sur National High School. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Principal Dr. Sulpicio Alferez III, nag-checheck na sila ng mga electric fan;  kung may mga kailangan nang palitan o idagdag. Apat ang minimum na electric fan sa silid.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Handa rin ang clinic kung may dadalhing sumama ang pakiramdam dahil sa init. Noong 2023 may recorded na humingi ng medical assistance sa clinic dahil sa sobrang init at natugunan naman ang pangangailangan.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Mas pinaaga ang bakasyon ngayon sa eskwela bilang parte ng pagbabalik sa dating academic calendar pero aabutin pa rin ng Summer Season bago ang pagtatapos ng  School year 2023-2024.