Mahilig sa online games noon, top notcher na ngayon!

Sinong mag-aakala na ang mahilig lang mag online games noon ay pupwede pala maging top notcher sa board exam?

‘Yan ang pinatunayan ni Niele Shem Geronimo Bañas, na nag top 1 sa April 2024 Electronics Engineering Licensure Examinations (ECELE).

Aniya, nagsimula ang kanyang adiksyon sa paglalaro ng online games noong high school, at lalong lumala noong nag-pandemic.

Nagdesisyon siyang itigil ito nang mapansin ang idinudulot nitong stress sa kanyang pag-aaral.

Kalaunan ay natutunan niya na kung paano balansehin ang pag-aaral at paglalaro.

Nakakuha si Niele ng 91.80 percent passing rate sa licensure exam, na siyang pinakamataas na marka.

Dahil dito, makakatanggap si Niele ng PHP200,000 mula sa kanyang alma mater na Technological University of the Philippines – Visayas (TUP-V) bilang incentive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *