Mahigit ₱2.1 million halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang lalaki sa Calauag, Quezon

Himas-rehas ngayon ang isang (1) lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Pinagkamaligan Calauag, Quezon nitong Biyernes, Hulyo 5.

Bandang ala-1:39 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek na kinilalang si alyas “Itlog”, 42-anyos, matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kaniya.

Read More:  71-year-old guard shoots worker in Mandaue over alleged bullying

Sa gitna nito, nasamsam kay alyas Itlog ang 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱2,100,000; buy-bust money at isang unit ng motorsiklo.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Calauag Municipal Police Station ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.