China, hindi raw babayaran ang 60M danyos na dinulot ng CCG sa pinakahuling RORE mission sa Ayungin Shoal

Sinisi pa ng China ang Pilipinas sa halip na bayaran nito ang danyos na dinulot ng China Coast Guard sa pinakahuling rotation and resupply mission ng bansa sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong June 17.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, nagsagawa ng ilegal na resupply mission ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at nilabag nito ang territorial waters ng China.

Dagdag pa nito, naayon sa batas at tama lang ang naging hakbang ng CCG para ipagtanggol ang soberanya ng kanilang bansa.

Read More:  Remulla urges SC to revisit main plunderer doctrine

Giit pa niya, dapat lang daw na harapin ng Pilipinas ang resulta ng mga aksyon nito sa West Philippine Sea.