Mahigit P40M halaga ng ‘Tulay ng Pangulo,’ naiturn-over na sa apat na bayan ng Sorsogon

Dalawang araw na magkasunod na itinurn-over ng Dept of Agriculture (DAR) Bicol sa Sorsogon Prov’l Office ang apat na tulay sa ilalim ng proyektong ‘Tulay ng Pangulo.’

Kinabibilangan ito ng Buenavista Bridge sa Brgy Buenavista sa lungsod ng Sorsogon na may habang 17.40 meters at nagkakahalaga ng P8.62M; Bangate Bridge sa Brgy Bangate, Barcelona na may habang 17.40 meters at nagkakahalaga ng P10.08M; Banogao Bridge sa Brgy Banogao, Matnog na may habang 40.20 meters na nagkakahalaga ng P10.03M at San Roque Bridge sa Brgy San Roque, Castilla na may habang 30.11 meters na nagkakahalaga ng P11.81M.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa nasambit na ahensya, ang mga tulay ay malaking tulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa mga nasabing munisipalidad at lungsod sa lalawigan.

Ang ‘Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP) project ay isang joint project ng Pilipinas at bansang France kung saan ang mga materyales ng tulay na pre-fabricated ay mula pa sa bansang France na may modern technology kung saan puwedeng magtagal ang tulay ng 50 hanggang 75 taon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang bansang France ay nakipagtulungan sa DPWH Bicol para sa pagpapalano, konstruksyon at monitoring ng mga tulay.