Batangas City – Umabot na sa mahigit apatnaraang milyong piso ang naging pinsala ng El Niño o matinding tagtuyot sa CALABARZON.
Ayon sa datos ng Department of Agriculture o DA-CALABARZON, nasa 4,735 na magsasaka ang apektado; 3,607 na ektaryang sakahan ang naapektuhan; at sa kabuuan ay aabot ang pinsala nito sa P407, 817, 700.
Sinabi ni Fidel L. Libao, DA IV-A Officer-In-Charge Regional Executive Director, dahil sa El Niño, maraming magsasaka ang nakaranas ng opportunity loss o nalugi.
Gayunman, ibinahagi ni Libao na maraming programang inilunsad ang kagawaran para sa mga apektado ng El Niño.
Samantala, ibinahagi rin ni Libao na handa ang DA Calabarzon, sa paparating na La Niña at pangangailangan ng mga magsasaka.
Mayroon umanong buffer stock ang DA para sa mga magsasaka na maaaring gamitin sa kalamidad.