NAGA CITY – Mahigit isang libo pang mga indibidwal na hindi pa natuturukan ng bakuna kontra COVID 19 sa Naga City ang hinahanap ng Lokal na Pamahalaan ng Naga.
Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Raynor Rodriguez, Vaccination Coordinator sa lungsod.
Aniya, alinsunod ito sa utos ng Department of Health (DOH) na nagpadala pa ng mga karagdagang mga personahe upang maging katulong nila na hanapin ang mga bata at mga matatanda sa lungsod na hanggang ngayon ay hindi pa natuturukan ng kahit na first dose ng bakuna. Nagpapatuloy ang kampanya at bakunahan sa mga bahay at establishments.