Mahigit 80 estudyante sa Tinambac, na-stranded sa paaralan

CAMARINES SUR- Aabot sa 81 ang na stranded sa Tamban National High School kahapon, mga residente ng Barangay Del Carmen at Bocogan Lagonoy Camarines Sur gayundin mga taga Mabini bayan ng Goa.

Ayon sa MDRRMO hindi pa pinayagan makauwi dahil sa lakas ng agos ng tubig sa Tambang River kahapon, kulay tsocolate na nga ang tubig sa ilog. Nagsama na ang tubig ulan na galing din sa mga bukid at ang tubig dagat.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bandang alas-4 na ng hapon nang maaari nang makabiyahe ang bangka kaya sa assessment pinayagan na silang makauwi sa kani-kanilang barangay.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon sa isang guro mabuti na lamang at may sobra pang mga used clothes sa nagdaang gift giving. Ginamit na ng mga nabasang mag-aaral.

Mababatid na umapaw ang tubig sa Tambang River kahapon dahil sa ulang dala ng Amihan at Shearline.