Mahigit 7M COVID-19 vaccine doses, naiturok na sa mga Pilipino- Galvez

Mahigit pitong milyong COVID-19 vaccine doses na ang naiturok sa mga Pilipino as of June 14 ngayong taon. 

Sa kanyang presentasyon, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kabuuang 7,045,380 doses na ang naibakuna sa mga Pilipino mula March 1 hanggang kahapon. 

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa ngayon, nasa 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities, at 7,067 essential workers na ang fully vaccinated.

Tinatayang 1,903,784 doses ng COVID-19 vaccine naman ang ginamit para sa pagbabakuna ng mga nabanggit na kasama sa priority list.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, nasa 5,141,596 doses na ang naiturok bilang unang dose para sa 1.452 milyong medical workers, 1.753 milyong senior citizens, 1.754 milyong persons with comorbidities, at 182,130 para sa essential workers. 

Sa ngayon, mayroong 3,944 vaccination sites ang nag-ooperate sa bansa at mula sa 12,705,870 COVID-19 vaccines, 10,374,850 na ang nai-deploy sa vaccine centers.