Mahigit 700k nakapagparehistro na sa PhilSys sa Zambales

Umaabot na sa mahigit pitong daang libo ang bilang ng mga nakapagrehistro na sa Philippine Identification System o PhilSys sa Olongapo at Zambales.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 714, 996 na ang mga nakakapagparehistro mula sa target na 818,052 ngayong taong 2022.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental

Kaugnay nito, para mailapit pa umano ang serbisyo lalo na sa mga remote areas ay nagbabara-baranggay na rin ang PSA.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Maliban dito, sumasabay rin sa mga caravan ng ibang ahensya ng gobyerno ang PSA para magsagawa ng mobile registration.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO