Mahigit 400 micro rice retailers kabilang sa 2nd pay out ng ayuda sa Olongapo at Zambales

Nakakuha na ng kanilang ayuda ang ikalawang batch mga micro rice retailers sa Olongapo at Zambales.

Kahapon, araw ng Huwebes ay isinagawa ang pay out sa lungsod ng Olongapo at sa Iba, Zambales para sa 463 na mga rice retailers na apektado ng price ceiling ng bigas.

Ayon kay DTI Zambales Dir. Enrique Tacbad, mayroong 97 ang hindi nakakuha ng ayuda dahil sa ilang dahilan tulad ng di pagdalo, may aberya sa authorization at ang address ay iba mula sa ID ng tindahan.

Matatandaan nitong nakalipas na mga linggo ay nasa mahigit walumpu ang unang batch na nabigyan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *