Mahigit 3K na Sorsoganong OFWs umuwi dahil sa pandemya – OWWA Bicol

SORSOGON CITY – Nakapagtala ang Overseas Filipino Workers ng mahigit 3,000 na Sorsoganong OFWs na umuwi dahil sa pandemya.

Sa datos ng ahensya, sa kabuuang 25,497 na Bicolanong OFWs na umuwi, 3,083 dito ay mula Sorsogon.

Karamihan umano sa mga umuwi ay tapos na ang kontrata o nagbabakasyon lamang at iilan lang ang natanggal sa trabaho dahil sa pandemya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa kabuuang 25,497 na umuwing OFWs, pinakamaraming bilang ay ang Camarines Sur na umabot sa 9,918 pumangalawa ang Albay na may 7,369. Sinundan ang Sorsogon ng Camarines Norte na umabot sa 2,410; ang Masbate ay umabot sa1,1780 habang ang Catanduanes ay may naitalang 937 na umuwing OFWs.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Paliwanag ng ahensya na ang lahat ng gastusin ng mga umuwi ay sagot ng kanilang central office mula sa transportasyon, accommodation at test result

Ayon pa sa OWWA, ang bilang umano na nabanggit ay madadagdagan pa dahil sa nagpapatuloy na repatriation program.