Mahigit 22,000 indibidwal inilakas sa pananalasa ng Bagyong Neneng

Umabot na sa 6,731 pamilya na binubuo ng 22,794 katao ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha sa Cagayan na dulot ng mga pag-ulan bunsod ng bagyong Neneng.

Ayon sa Task Force Lingkod Cagayan, nasa 86 na mga barangay ang apektado ng pagbaha mula sa labinpitong bayan sa naturang lalawigan.

Habang wala pa ring suplay ng kuryente ang ilang lugar sa probinsya dahil sa tuloy tuloy na pag-ulan na dahilan ng pagbaha.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mula naman sa 16 na Barangay sa Santa Ana Cagayan karamihan ay totally flooded na at ang iba ay nasa bubong na ng kanikanilang bahay.

Samantala, nailigtas ng mga kapulisan ang isang buwang sanggol sa Abulug sa kasagsagan ng pagbaha sa lugar dulot ng magkakasunod na bagyo dito sa rehiyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Habang nagiikot ang mga kasapi ng PNP Abulog sa Brgy. San Julian isang lalaki ang humihingi ng saklolo upang ilikas ang kaniyang pamilya sa Brgy San Julian dahil inabot na nang tubig baha ang kanilang bahay.

Ligtas na nasagip ang magkakapamilya at ngayong nasa evacuation center ng Brgy Libertad, Abulug, Cagayan.

Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng DSWD sa mga apektadong pamilya.