Mahigit 2000 indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Aabot sa 2, 210 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Ito ang unang linggo ng paglulunsad ng Department of Health ng Barangayang Suyod Bakuna na layong pataasin ang wall of immunity o proteksyon ng komunidad laban sa COVID- 19 lalo na ngayong voluntary na lang ang pagsusuot ng facemask.

Sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang noong Sabado pinakamarami ang nabakunahan sa Labo na mayroong 773 na sinusundan ng Mercedes na may 554.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang Capital town na Daet ay mayroong nabakunahan na nasa 226 na indibidwal, Paracale 172 at Jose Panganiban na may 171.

Ang limang nabanggit na bayan ang kasama sa mga tinukoy ng DOH sa Barangayang Suyod Bakuna.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang nalalabi pang mga bayan na hindi kasama sa Barangayang Suyod Bakuna tulad ng Capalonga ay nakapagbakuna ng nasa 103 indibidwal sa nabanggit na panahon,  Basud 78,  Vinzons 64,  San Lorenzo Ruiz 38, Sta Elena 17, Talisay 10 at 4 sa San Vicente.

Patuloy na magbabakuna ang mga LGU at sa pagkakataong ito ay mas nilalapit na sa mga tao sa pamamagitan ng BSB.