Mahigit 200 na residente mula sa Daraga, Albay, nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa ABMLC

LEGAZPI CITY – Umabot sa dalawang daan at apat na mga residente sa bayan ng Daraga, Alba yang nakatanggap o nakapag-avail ng libreng mga serbisyong medikal sa ilalim ng Arangkada Banwa Mobile Lab and Clinic (ABMLC) partikular sa Anislag Infirmary at Daraga Covered Court.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Sa datos mula sa ABMLC, isang daan at tatlumpu’t pito na mga indibidwal ang tumanggap ng medical check-up at lab tests.

Sa Daraga Covered Court naman ay mayroong animnapu’t pitong residenteng nakatanggap ng libreng laboratory tests.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Ito ay bahagi ng layuning ng LGU na mailapit sa mga residente, maging sa mga evacuees ng Bulkang Mayon ang libreng mga serbisyo lalo na sa mga walang kapasidad na magpatingin sa doctor o kaya naman sa mga malalayo sa ospital.