Mahigit 200 na mga Senior citizens ng Naga City nabakunahan na ng CoronaVac

NAGA CITY – Umabot sa 211 na mga lolo at lola o mga senior citizens sa lungsod ng Naga ang nabakunahan na ng CoronaVac ng Sinovac kahapon sa Jesse M Robredo coliseum.

Ang mga ito ay galing sa mga barangay ng Abella, Bagumbayan Norte, Calauag, Concepcion Pequena, Balatas at Carararayan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Napag-alaman ng Brigada News FM na ang pagbabakuna na magpapatuloy ito ngayong araw na kung saan ang mga taga Barangay  Concepcion Grande, Carolina, Concepcion Pequeña, Bagumbayan Sur, Dayangdang, Del Rosario at Igualdad ang nakakatanggap.

Nasa 1,370 na bagong doses ng nabanggit na bakuna ang inilaan sa sektor na ito na siyang kabilang sa Priority A group batay sa talaan ng Department of Health.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matatandaan na una na ring nabakunahan ang mga empleyadeo ng City Government na nasa frontline health services.

Kaugnay nito, nananawagan ang LGU sa iba pang mga senior citizens na magpabakuna na rin para sa kanilang proteksyon kontra sa COVID-19.