Mahigit 2 libong indibidwal mula sa tatlong rehiyon sa bansa, nananatili ngayon sa mga evacuation centers dahil sa Bagyong Julian

Mahigit 2,000 indibidwal mula sa tatlong rehiyon sa bansa ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers dahil sa epekto ng Bagyong Julian.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reeduction and Management Council, 646 na pamilya ang pansamantalang tumutuloy sa 58 evacuation centers.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ang Region 1 o Ilocos Region ang may pinakamaraming evacuees na umabot sa 1,491 katao, 405 mula sa Cagayan Valley, at 280 naman sa Cordillera Administrative Region.

Sa kabuuan, pumalo na sa 149,293 individuals o katumbas ng 43,093 familes ang apektado ng bagyo

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Iniulat din ng NDRRMC na mayroong walong sugatan at isa ang nawawala.

Marami rin kabahayan ang nasira , at ilang kalsada ang hindi pa nadaraanan ngayon ng mga motorista.