Mahigit 16K na SHS, magtatapos ngayong SY

SORSOGON CITY – May 16, 079 na mag-aaaral ang magtatapos sa Senior High School ngayong taon, ito ang kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Sorsogon Provincial Divisions Office.

Sinabi ni School’s Divisions Superintendent Jose Toots Doncillo, ito na ang kabuuang listahan ng sasabak sa kolehiyo kung saan kumpiyansa sila na hindi na ito mababawasan pa dahil malapit na rin ang pagtatapos sa susunod na buwan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Aniya, saludo ang buong Kagawaran sa nasabing bilang dahil sa kabila ng pandemya ay napanatili pa rin nila ang mataas na bilang ng mga mag- aaral sa senior high scchool.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa kabuuan, mayroong 132,327 learners ang Kagawagan mula Kinder, Elementary, Junior at Senior High School.