Mahigit 16,000 na indigent senior citizens sa Albay, natanggap na ang kanilang social pension

Kinumpirma ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na umabot sa mahigit 16,000 o kabuuang bilang na 16,666 na mga indigent senior citizens ang nakatanggap na ng kanilang social pension sa isinagawang payout sa Albay Astrodome.

Sa impormasyong inilabas ng nasabing pamahalaan, tumanggap ang mga ito ng PHP1,500 na halagang pension para sa peryodong Oktubre hanggang Disyembre ng nakalipas na taon.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Provincial Treasurer’s Office ang nasabing payout.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Dagdag pa nito, ang nagpapatuloy na payout ay kinabibilangan din ng mga benepisyaryo mula sa 18 mga munisipalidad at lunsod sa lalawigan na waitlisted sa pension na inilaan ng DSWD para sa peryodong Pebrero 1 hanggang 24 ngayong taon.