Mahigit 10,000 kilo ng bigas, naipabili ng NFA Bicol para sa KADIWA program ng DA

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng National Food Authority (NFA) Bicol na umabot na sa mahigit 10,000 kilo ng bigas ang kanilang naipagbili para sa KADIWA program ng Department of Agriculture (DA).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NFA Bicol Spokesperson, Jahara Pavilando, sinabi niyang katumbas uman ito ng mahigit 300 bags ng mga bigas.

Read More:  Galbines installed as 7th Bacolod bishop, inherits pulpit of social action

Aniya, mula pa umano noong inilunsad ang nasabing programa sa lalawigan ng Camarines Sur, ay nakapagpabili na sila ng humigit-kumulang 6,000 na kilo.

Sa ilalim umano ng nasabing programa, ang mga consumer ay makakabili na ng PHP25 halaga ng bigas bawat kilo dahil hindi na ito dumaan pa sa retailers, mas mababa kung ikukumpara sa mga nasa merkado na PHP27 o higit pa.

Read More:  PNP officer shoots fellow police, civilian in Cavite; 2 dead

Sinabi rin ni Pavilando, ang mga bigas na kanilang ipinagbibili ay galing sa mga local famers sa rehiyon.