Mahigit 100 wanted person, arestado sa 2 araw na operasyon ng PRO Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot sa kabuuhang bilang na 130 wanted person ang naaresto sa isinagawang dalawang araw na Simultaneous Anti-criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office (PRO) Bicol sa buong rehiyon.

Ayon kay Lt. Col. Ma. Luisa Calubaquib, spokesperson ng nasabing opisina, ang mga nahuling mga indibidwal na kinabibilangan ng 19 most wanted persons mula sa mga lunsod at bayan habang 111 naman ang other wanted persons.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Aniya, ang mga nahuling wanted persons ay nahaharap sa mga kasong katulad ng murder at rape.

Layunin umano ng nabanggit na operasyon na mabawasan ang bilang ng mga krimen sa iba’t ibang mga komunidad sa pamamagitan ng mga pagdakip at search warrants sa mga kilalang crime personalities.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Dagdag pa nito, ito ay nagresulta sa 124 police operations na isinagawa ng kapulishan sa buong rehiyon ng Bicol.