Mahigit 100 titulo ng lupa naipamahagi ng DAR

Naipamahagi ng Department of Agrarian Reform ang isandaan at tatlong mga titulo ng lupa sa mga benipisyaryo mula sa Zambales.

Dalawampu’t pito dito ay mula sa programang Land Acquisition Distribution habang ang pitumpu’t anim ay mula sa proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling na pinondohan ng World Bank.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa na ginanap sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City ay pinangunahan ng Kalihim ng DAR na si Secretary Conrado Estrella kasama sina Regional Director James Antonio Ponce at iba pang mga opisyal.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Samantala, umabot sa dalawang daan at dalawampu’t limang ektarya ng lupa ang naipamahagi ng DAR.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DAR Zambales