LEGAZPI CITY – Mahigit 100 sanitary toilets ang nakatakdang ibigay sa mga pamilyang mula sa 10 mga barangay sa bayan ng Camalig, Albay.
Ayon sa Municipal Health Office ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan, nasa kabuuhang bilang na 120 sanitary toilet ang ipapamahagi sa napiling mga residente mula sa Brgy. Solong, Quitinday, Gotob, Tagoytoy, Bongabong, Mabunga, Taplacon, Del Rosario, Maninila, at Pariaan.
Pinili ng LGU ang mga nabanggit na barangay dahil wala umanong sapat o maayos na palikuran ang mga residente batay sa kanilang ginawang assessment sa mga barangay.
Samantala, nauna nang ibigay ng LGU at MHO ang dalawampu’t limang sanitary toilets sa mga residente ng Brgy. Solong at Quitinday.
Ito umano ay alinsunod sa adbokasiya ng LGU sa pagsusulong ng sanitasyon sa mga bahay at kasanayan sa kalinisan upang makamit ang layunin ng bayan na zero open defecation.
Sinabi ng opisna, inaasahan na maabot ng LGU ang sanitary health coverage na 100% na may layuning wakasan ang nakakabagabag na pagsasanay ng open defecation at pagkalat ng mga sakit na dala ng tubig sa bayan.