May 177 na mga kabataan na may celebral palsy ang libreng inaalagaan ngayon ng isang pribadong organisasyon sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon sa mga namamahala ng Celebral Palsy Association of Sorsogon (CPAS), 67 na mga pasyente ay mula sa Bayan ng Bulan, 70 ang mula sa Sorsogon City at 40 ang mula sa Bayan ng Gubat.
Ito ang mga kabataan may problema sa kanilang paggalaw o ang common motor disability ng mga kabataan dahil sa mga mahinang muscles na epekto naman ng hindi maayos na brain development na epekto ng kakulangan sa bitamina at masusustansyang pagkain habang nasa sinapupunan pa ng ina.
Sa Bayan ng Gubat, nag pasa ang Sangguniang Bayan ng Municipal Ordinance No. 2023-012 na nagbibigay financial assistance sa mga pasyenteng may celebral palsy na sumasailalim sa libreng rehabilitation care ng nasabing organisasyon.
Aktibo rin aniya ang Sorsogon City at ang bayan ng Bulan sa pagbibigay tulong sa nasabing mga kabataan.
Taong 2009 nang magsimula ang CPAS sa Sorsogon sa pangunguna ng dating Sorsogon Provincial Health Officer 1 Dra. Maria Leduvina Dorion.
Ang CPAS ay isa sa dalawang asosasyon sa Bicol na libreng nangangalaga sa mga kabataan na may Celebral Palsy.
