Mahigit 100 mga magsasaka sa Daraga, Albay, nagtapos sa School-on-the-Air on Smart Rice Agriculture (SOA-SRA) ng DA

LEGAZPI CITY – Umabot sa 114 na mga magsasaka ang nakapagtapos na sa School-on-the Air on Smart Rice Agriculture (SOA-SRA) ng Department of Agriculture (DA) na isinagawa sa Pandan Covered Court.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Municipal Agricultural Services Office (MASO) na dinaluhan ng 35 mga magsasaka sa Brgy. Busay, 29 na Brgy. Pandan at 50 sa Brgy. Lacag.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang SOA-SRA Technologies o Palay Aralan sa Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid ay isa sa mga educational programs ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) kasabay ang iba pang partner agencies.

Layunin ng programa na maabot ang mga magsasaka gamit ang media platforms tulad ng radyo, Youtube at Facebook upang maiparating ang kaalaman sa mga bagong teknolohiya na makakatulong sa kanila sa maayos na pag-aani.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon naman kay Municipal Agriculturist Meljie Matociños, upang maka-enroll sa nasabing programa, kinakailangang nakarehistro ang mga benepisyaryo sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Maliban pa rito hinahanapan din ito ng mga accomplishment report at dumadaan din ito sa mga pre and post test o evaluation.