Ginawaran ng Department of Agriculture Region 3 ang mahigit isandaang magsasaka ng Philippine Good Agricultural Practice, Good Animal Husbandry Practices at Accredited Plant Nurseries certifications.
Ito ay kasunod ng ginanap na aktibidad sa Syudad ng San Fernando sa Pampanga nakalipas na Byernes.
Layon ng PhilGAP certification na isulong ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pamamagitan ng Regulatory Division ang dekalidad, ligtas at malinis na mga produktong pang-agrikultura.
Sa kabuuan, nasa 132 PhilGAP certified farms, anim na GAHP certified farms at apat na plant nurseries ang kinilala sa isinagawang programa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DA CENTRAL LUZON
