Mahigit 100 aplikasyon natanggap ng Comelec Mercedes sa nakalipas na tatlong araw ng voter registration

CAMARINES NORTE – Sumampa na sa mahigit isangdaang aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections sa bayan ng Mercedes Camarines Norte sa nakalipas na tatlong araw ng voter registration.

Isa ang Mercedes sa may pinakamaraming nagparehistro sa lalawigan.

Sa datos ng Comelec Mercedes hanggang kahapon ng tanghali ay mayroon nang 111 ang nagparehistro.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kapansin- pansin na halos walang nagpaparehistro kahapon kumpara sa unang dalawang araw na dumagsa ang mga nais magparehistro.

Ayon kay Election Officer III Emily Basilonia ganito raw talaga ang sitwasyon sa naturang bayan  kung saan sa unang dalawang araw ay maraming nagpaparehistro at nagiging matumal na ito sa mga susunod pang araw.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Isa ang Mercedes sa top 5 vote- rich municipalities sa Camarines Norte.

Noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nasa 35, 558 ang registred regular voters hindi pa kasama ang nasa mahigit 13,600 na registered voters sa SK.