Mahigit 1 milyong AstraZeneca doses, dumating sa bansa ngayong araw

Dumating sa bansa ngayong umaga ang mahigit isang milyong doses ng AsraZeneca COVID-19 vaccine.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), lumapag ang flight sakay ang 1,150,800 AstraZeneca vaccine doses sa Ninoy Aquino International Airport kaninang alas 10:10 ng umaga.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Binili ang mga doses ng local government units at private sector.

Dahil sa panibagng shipment, pumalo na sa halos pitong milyon ang kabuuang AstraZeneca vaccine doses na naideliver sa Pilipinas.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Kabilang dito ang mahigit apat na milyong doses mula COVAX Facility, at isang milyong doses na idinonate ng gobyerno ng Japan.