Magsasakang nasamsaman ng P100K na halaga ng shabu, arestado

Kulong ang bagsak ng isang magsasaka sa Tuguegarao City, Cagayan matapos itong masamsaman kahapon, January 09, ng higit P100K na halaga ng shabu at maging sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, nakumpiska sa pangangalaga ni alyas “Henry”, 54-anyos, residente ng Amulung, Cagayan ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, isang pistol cal 22, limang bala ng cal 22, isang basyo ng bala ng cal 22 at isang holster.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Na-rekober rin mula sa kay Henry ang iligal na droga na tinatayang nasa 16 grams ang timbang at nagkakahalaga ng P108,800.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Henry na kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao Component City Police Station.