Magsasaka, arestado matapos na makuhanan ng baril

Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition ang 42-anyos na magsasaka sa Brgy Caditaan, Magallanes, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Gil Grutas Buising, residente ng Sitio Binalyuhan ng nasabing barangay.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Batay sa ulat, nagsasagawa ng anti-illegal logging operations ang mga operatiba ng Magallanes MPS nang matanaw nila ang isang lalaking may hawak na baril.

Gayunpaman, nang maramdaman ang presensya ng papalapit na mga awtoridad ay hinagis ng suspek ang nasabing baril.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa pagkakataong iyon, agad na nagpakilala ang mga awtoridad at nilapitan ang suspek ngunit nabigo itong magpakita ng lisensiya sa pag-aari ng baril kaya tuluyang inaresto ito dahil sa nasabing paglabag.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 na revolver na kargado ng 6 na bala.