Magandang relasyon ng mga Muslim at ng PNP, napapanatili – Magarao MPS

NAGA CITY – Muli ngang ginugunita ngayong araw Hunyo 28 lalo na ng mga Muslim ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice; pag-aalaala sa naging sakripisyo ni Ibrahim at idineklarang bilang regular holiday sa buong bansa batay na rin sa National Commission on Muslim Filipinos.

Kahapon malugod na tinanggap ng Muslim Community ang Municipal Police Station ng Magarao, Camarines Sur na nasa Barangay Casuray naturang bayan, bilang pakikiisa, koordinasyon at paghahanda sa gagawing salu-salo at kainan mamaya.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa panayam kay PSSg Richard Vargas, Information Officer at PCAD Officer, sinabi nitong sa pamamagitan ng Salaam Police, napapanatili ang maganda at matatag na samahan ng mga Muslim at mga pulis, mas nagiging mapayapa.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon pa sa opisyal bukas at handa ang himpilan na tulungan at i-assist ang mga muslim sa bayan lalo na maliban sa iba pang relihiyon kasama ang mga muslim sa Kasimbayanan Program ng PNP.