Mag-asawang Senior Citizen patay matapos mabundol ng Bus sa Buluan, Maguindanao

DEAD on the spot ang mag-asawang senior citizen na residente ng bayan ng Paglat, Maguindanao matapos na aksidenteng mabangga nila ang kasalubong na bus sa bahagi ng tulay ng Barangay Poblacion sa bayan ng Buluan kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat na nakalap ng Brigada NewsFM Cotabato, ang mga biktima ay nakilalang sina lolo Garry Kalugay at lola Zalika.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Tutungo ang mag-asawa sa isang money remittance center sa bayan upang kunin umano ang padala ng kanilang anak sa abroad at habang binabagtas ang national highway ay dito na nangyari ang aksidente.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Naghihinagpis naman ang mga kaanak ng mag-asawa dahil sa sinapit ng mga ito na nagkalasug-lasug pa ang ibang parte ng kanilang katawan matapos na pumailalim sa bus.(BNFM COTABATO)
#