Mag-asawang negosyante sa Pampanga, mistulang araw-araw ang pasko dahil sa pamimigay ng pagkain

Gutom ka na ba at walang pambili ng pagkain?

Paano kung matagpuan mo ang isang kainan na namimigay ng libreng pagkain?

Ang kainan sa Angeles, Pampanga na pagmamay-ari ng mag-asawang negosyante ay namamahagi ng pagkain hindi lamang sa araw ng pasko kundi sa buong taon.

Mistulang araw-araw ay pasko para sa mga taong ngangangailangan at layunin ng mag-asawa ang mabahagian ng biyaya  ang mga taong walang tirahan at mga nakikita nila sa daan.

Ayon sa mag-asawa, ginagamit umano nila ang kanilang sobrang kita para ipamili sa mga lutuing ipamimigay.

Napag-alaman din na na-inspire din umano sila sa lolo ni Tom na talagang mapagbigay lalo na sa tuwing darating na ang kapaskuhan.

Sa ngayon, patuloy pa rin sina Tom sa kanilang hangarin na minsan nang sinimulan ng kaniyang lolo.###WENCY LISAY