Mag-asawa, sugatan sa aksidente kagabi sa Brookes Point

Isinugod sa ospital ang mag-asawang Militar na lulan ng isang tricycle matapos bumangga ang kanilang sinasakyan sa National Highway ng Barangay Samariñana, Brookes Point Palawan kagabi.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Sa nakalap na impormasyon sa Brookes Point PNP, nasagi umano ang tricycle ng isang truck kaya nabangga nito ang isa pang truck na nasa unahan.

Dahil sa nangyari, nagtamo ng sugat sa ulo ang mister na drayber habang uminda naman ng pananakit ng katawan ang asawa nito.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Samantala, nagkasundo na ang dalawang panig matapos ang aksidente.