Mag-asawa sa Ohio na 79-taong nang nagsasama, magkasabay na pumanaw sa edad na 100

TINUPAD ng mag-asawa mula sa Ohio, USA ang kanilang sumpaang “Till death do us part” matapos ang mga itong halos sabay na pumanaw sa edad na isang daang taong gulang.

Tinuldukan ng kamatayan ang 79-taong pagsasama ng mag-asawang sina Hubert at June Malicote nitong nakaraang November 30.

Ayon sakanilang anak na si Sam, binawian ng buhay ang kanyang inang si Mrs. June nitong November 30 at makalipas ang 20-oras ay sumunod na sa ikalawang buhay ang kanilang amang si Mr. Hubert.

“Everything was perfect” aniya dahil pumanaw habang magkahawak ng kamay ang mag-asawa at tila ang kanilang pagkawala ay naging patunay na hindi ang mga ito maaaring paghiwalayin maging ng kamatayan.

Sa loob ng 81-taong pagsasama ng dalawa bilang magkapareha, naging sentro umano ng relasyon ng mga ito ang pangangalaga sakanilang binuong pamilya, pagsisilbi sa bayan at sa Diyos.

Kahit nakakalungkot, sinabi ni Sam na masaya pa rin siya at nagpapasalamat dahil sa mahabang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa kanyang mga magulang.### JDR