LEGAZPI CITY – Nagsagawa kahapon ng kilos protesta ang ibat ibang sektor na makakaliwang grupo sa lungsod ng legazpi upang isagaw sa mga mamamyang Albayano ang nangyaring pandaraya umano sa katatapos lamang ng May Election 2022.
Ito ang inihayag ni Romy Barbudo ang tagapagsalita ng Condor Piston Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Barbudo, ikinagugulat ng mga ito ang mabilis na resultang nangyaring election kung saan nagkaroon ng mahigit million ang nilamang ni Pres.Fredinand Bongbong Marcos Jr laban sa katunggali na si dating Vp Leni Robredo.
Naniniwala umano ito na mayroong pandaraya o nagkaroon pagmamanipula sa katatapos ng election sa tulong ng america.
Dagdag pa nito, wala man silang mapaghahawakan na ebedensya o resukta sa nangyaring election mas pinaniniwalaan ng grupo na ang totoong nanalo sa election ay si Robredo.
Sinabi ni Barbudo, sa pananahimik ng america sa resulta sa election sa bansa ay nagkakaroon ang mga ito malaking pagkakabahala na pinaghahawakan ng estado unidos na ang nanalong Pangulo si Marcos Jr.