Mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa darating na 2023 Bar Examination ayon sa QC LGU

Pinaalalahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ilang mga motorista na iwasan muna ang pagdaan sa University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue at Commonwealth Avenue sa darating na ika-17, 20 at 24 ng Setyembre.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang Bar Examinations na gaganapin sa University of the Philippines Diliman.

Dahil dito, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko mula 3:30am hanggang 9:00 am at 3:30pm hanggang 7:00pm.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kaugnay nito, pansamantalang pinapayuhan ng awtoridad ang mga motorista na gumamit muna ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang pag-build up ng mas matinding trapiko.