Sisindi na lang ng kandila ang mga residente sa Mabalacat City na bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa sa darating na undas.
Ito’y matapos ipag utos kahapon ni Mabalacat city mayor Cris Garbo sa Task Force Undas na bilangin ang mga puntod sa mga sementeryo sa lungsod, para kapag dumating ang bibisitang kaanak ay hindi na nila kailangang bumili ng kandila.
Maliban sa libreng kandila, pina-pinturahan na rin at pinalinis na ng City Government ang mga puntod sa public cemetery.
Samantala, inaasahang bubuksan sa publiko ang mga sementeryo simula October 29 hanggang Novermber 2, alas-singko ng umaga hanggang alas-onse ng gabi.
