Maayos na halalan, sentro ng dasal sa pag-uumpisa ng banal na buwan ng Ramadan

Sinabi ni South Cotobato Muslim Affairs Chief Sultan Mutalib Sambuto, na isang maayos na halalan ang magiging sentro ng panalangin ng mga kapatid na Muslim bilang pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan.

Ayon kay Sambuto, hiling nila na maging payapa at malinis ang pagpili sa mga bagong nagnanais magkaroon ng pwesto sa gobyerno ngayong darating na halalan.

Nagsimula ang Ramadan sa Pilipinas kahapon ika-3 ng Abril na tatagal ng isang buwan.

Hinihikayat nila ang lahat ng mga kapatid na Muslim na mag-ayuno maliban sa may sakit dahil kabilang umano ang Ramadan sa five pillars ng Islam.

Samantala, aasahan ang pagbabalik sa normal na selebrasyon matapos ibaba ang Alert Level 1 sa ilang lugar sa bansa. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *