NAGA CITY – Nakikitang permanenteng solusyon kontra baha ng Department of Education Naga, ang paghanap ng lugar na pagpapatayuan ng bagong mga silid sa Julian B. Meliton Elementary School, na nasa Barangay Pequeña lungsod ng Naga.
Ayon kay Dr. Susan Collano, School Division Superintendent ng DepEd Naga, matagal na itong problema ng naturang paaralan dahil maliban sa lahat ng tubig- baha mula sa ibang barangay patungo sa lugar, nasa mababang portion pa ito.
Matagal na rin itong inilapit lalo na ng Principal ng paaralan, na si Niel Manaog, na ayon sa kanya nasa 32 silid ang hindi na ginagamit dahil delikado na para sa mga bata, may silid na ring ipinangako ang Lokal na Pamahalaan, naging solusyon na rin ang shifting of classes makasabay lamang ang mga mag-aaral, ang iba naman sa pavillion na ang klase na kitang-kita ang paghihirap ng mga bata at mga guro.
Kaya naman dagdag pa ni Collano, hindi sila tumitigil na mag-follow up lalo na’t naipangako na ni Undersecretary Epimaco Densing III na magpapatayo ng nasa sampong karagdagang silid para sa naturang paaralan.