LTRFB Guadiz, nakiusap sa PISTON na iksian ang 3 araw na tigil-pasada

Nagharap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang grupong PISTON kaugnay ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupo.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na idaan na lang sa mabuting usapan ang mga hiling ng mga tsuper upang maibsan ang hirap ng mga driver sa pinatutupad na jeepney modernization program.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ngunit giniit ng PISTON na wala silang nakikitang dahilan upang itigil ang strike.

Sinabi ng grupo na ang pangunahing hiling nila sa gobyerno ay i-urong  ang Disyembre 31 deadline para magsamasama ang mga jeepney drivers at operators sa mga kooperatiba.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sa Korporasyon ibibigay ang mga prangkisang gagamitin ng modern jeepney kapalit ng mga luma o hindi pasado sa mga bagong standard.