LTO, target na ipatupad ang standard na singil para sa lahat ng mga driving school

Plano ng Land Transportation Office (LTO) na i-standardize ang fees na sinisingil ng mga driving schools sa bansa.

Ayon kay LTO chief Jose Arturo Tugade, bumuo na sila ng komite na magrereview sa mga panuntunan ahensya kaugnay sa accreditation ng mga driving schools.

Batay kasi sa isang complainant, P18,000 ang kanyang binayaran para lang makakuha ng driver’s license.

Sinabi naman ng kinatawan mula sa isang sa driving school, na ang fees ay ginagamit para sa langis, maintenance at insurance ng mga sasakyan at sahod ng mga driving instructors.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, inihayag ni Tugade na nag-aalok naman ang LTO ng libreng theoretical driving course, pero limitado lang ang slots. Kaugnay nito, naningil ang LTO ng P100 para sa student permit application, P150 para sa student permit, at P100 para sa non-professional license application, at P585 para sa driver’s license.